Mga miyembro ng sindikato, arestado sa Oriental Mindoro
Arestado ang walong hinihinalang miyembro ng sindikato dahil sa kasong estafa.
Sinasabing ginamit ng mga ito ang record ng isang retiradong pulis para mag-apply ng dalawang milyong pisong loan sa Armed Forces of the Philippines Savings and Loans Inc. (AFPSLAI) sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Kinilala ang mga suspek na sina Seferino Rodolfo, animnaput dalawang taong gulang mula Cavite; Meriam Ungos, apatnaput siyam na taong gulang mula Pangasinan; Maribel Sionilo, apatnaput siyam na taong gulang mula Makati; Jonathan Panceras, apatnaput isang taong gulang mula Makati; Alvin Abdul Kalam Mahamud, apatnaput tatlong taong gulang mula Quezon City; Jesus Canero, tatlumput pitong taong gulang mula San Fernando City; Edwin Madrigal, apatnaput siyam na taong gulang mula Tarlac; at Marivic Jose, tatlumput limang taong gulang mula Rizal.
Ayon sa imbestigasyon, lumalabas na si Rodolfo ang nag-apply ng loan sa ilalim ng pangalan ni retired police Superintendent Yolando Conaco.
Ngunit nang beripikahin sa PNP Headquarters sa Quezon City, nalaman na hindi talaga si Conaco ang nag-apply ng loan.
Nakipag-ugnayan si AFPSLAI-Lucena Branch Manager Carolyn P. de Villa sa AFPSLAI sa Calapan City na nagkasa ng entrapment operation at nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.