Housing Project para sa Yolanda Victims, maanomalya ayon sa isang mambabatas

By Rhommel Balasbas September 03, 2017 - 03:11 AM

File Photo

Ibinunyag ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez na may milyun-milyong pisong iregularidad sa housing projects na ginagawa para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Ayon kay Benitez, ang mga itinatayong housing units ay ginamitan ng substandard na construction materials.

Ito anya ang lumalabas sa pagdinig ng House Committee on Housing and Urban Development na hawak ng mambabatas.

Ani Benitez, ang contractors na kinuha ng gobyerno ay kumuha pa ng hindi kwalipikadong sub-contractors para gawin ang ilang housing units.

Nais naman ni Leyte Rep. Vicente S. Veloso na panagutin ang mga sangkot sa proyekto dahil sa hindi pagsunod ng mga ito sa project standards.

Ani Veloso, maaaring maharap sa kasong estafa at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang mga taong may kinalaman sa housing project.

TAGS: House Committee on Housing and Urban Development, Housing Project for Yolanda Victims, Leyte Rep. Vicente S. Veloso, Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, Super Typhoon Yolanda, Yolanda victims, House Committee on Housing and Urban Development, Housing Project for Yolanda Victims, Leyte Rep. Vicente S. Veloso, Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, Super Typhoon Yolanda, Yolanda victims

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.