Ill-gotten wealth ng mga Marcos, kailangang isauli ayon kay Cong. Rav Rocamora

By Justinne Punsalang September 03, 2017 - 03:07 AM

Nais ni Siquijor Congressman Rav Rocamora na paigtingin pa ng Presidential Commission on Good Government o PCGG ang kanilang mga pagsisikap na mabawi mula sa pamilya Marcos ang kanilang hindi maipaliwanag na yaman.

Ito ay matapos magpahayag ang pamilya Marcos ng kanilang kahandaan na ibalik ang ilang gold bar ng kanilang pamilya.

Ani Rocamora na miyembro ng PDP-Laban, kailangang samantalahin na ng PCGG ang pagkakataon na mabawi ang sinasabing ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Aniya, mayroong mandato ang PCGG na kailangan nitong gampanan. Matatapos lamang ang misyon ng naturang kagawaran kung maibabalik na sa pamahalaan ang lahat ng mga ninakaw na yaman ng mga Marcos.

Sa huling datos ng PCGG noong 2016, nasa 170 bilyong pisong halaga ng ill-gotten wealth na ang nabawi ng naturang ahensya ng pamahalaan mula sa mga Swiss bank account, stocks shares, real estate, maging mga paintings at alahas mula sa pamilya Marcos at kanilang mga ‘cronies.’

TAGS: ill gotten wealth, marcos family, PCGG, Siquijor Congressman Rav Rocamora, ill gotten wealth, marcos family, PCGG, Siquijor Congressman Rav Rocamora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.