Kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa, umabot na sa 57
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Japanese Encephalitis sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH) aabot na sa 57 ang naitatalang kaso nito mula Enero.
Sa datos naman mula sa Regional Institute for Tropical Medicine o RITM, umakyat na sa 32 ang kumpirmadong kaso ng Japanese encephalitis sa Pampanga noong nakaraang linggo.
Ayon sa RITM, apat na ang naitatalang namatay sa lalawigan dahil sa sakit at kasalukuyan silang nagsasagawa ng pagsusuri kung ito rin ang dahilan ng pagkamatay ng isang 20– anyos na engineering student sa bayan ng San Fernando.
Ang Japanese Encephalitis ay isang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na karaniwan sa mga agrikultural na lugar.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang mataas na lagnat, pananakit ng leeg, at pagbabago sa behavior ng biktima.
Magiging available sa bansa ang mga bakuna laban sa Japanese Encephalitis sa 2018 ayon sa DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.