Panukalang batas para sa kapakanan ng mga Air Passengers, nais nang maipasa ng isang mambabatas

By Rhommel Balasbas September 03, 2017 - 12:54 AM

Nais ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na mapabilis ang pagpasa sa House Bill 6056 o “Air Passenger Bill of Rights”.

Nananatiling pending sa House Transportation Committee ng KAMARA ang panukalang batas simula pa July 31.

Ayon kay Dy, papalapit na ang holiday air travel season kung saan mas marami ang nagiging ang kanselasyon at pagkaantala ng mga flights lalo na kapag mas malaki ang volume ng mga pasahero.

Layon ng panukalang batas na bigyan ng karapatan ang mga pasahero na mabigyan ng reimbursement kung sakaling makansela ang flights.

Mababayaran din ang mga pasahero sakaling masira ang kanilang mga bagahe, o hindi kaya ay mawala o madelay.

Sisiguruhin din ng batas ang karapatan ang mga air passenger na mabigyan ng karampatang impormasyon bago ang flight purchase at makatanggap ng kabuuang halaga ng serbisyong binayaran.

Nais ni Dy na maipasa sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas bago magtapos ang buwan ng Nobyembre.

TAGS: Air Passenger Bill of Rights, Congress, House Bill 6056, House Transportation Committee, Rep. Bernadette Herrera-Dy, Air Passenger Bill of Rights, Congress, House Bill 6056, House Transportation Committee, Rep. Bernadette Herrera-Dy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.