25-taong gulang na babae, dinukot ng armadong kalalakihan sa Zamboanga del Norte

By Rohanisa Abbas September 02, 2017 - 04:45 PM

Dinukot ng armadong kalalkihan ang isang 25-taong gulang na babae sa Siocon, Zamboanga del Norte isang araw makalipas palayain ng mga ito ang isang bihag.

Ayon kay Chief Superintendent Billy Beltran, hepe ng Western Mindanao police, nasa loob ng bahay si Feroza Hugasan Mindoon sa Barangay Malipot nang bigla na lamang pasukin ng armadong kalalakihan ang kanyang bahay, at dinakip dakong alas-11:30 ng gabi ng Biyernes.

Ipinahayag ni Beltran na tinutugis na ng mga pulis at mga sundalo ang mga bumihag kay Mindoon.

Noong Huwebes, pinalaya ng mga suspek ang residente ng Siocon na si Jessica Duterte, 52-taong gulang na dinukot noong March 3, ayon kay Brig. General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Group Sulu.

Aniya, una nang humingi ng 50-milyong pisong ransom ang mga dumukot kay Duterte, ngunit hindi pa matiyak kung nabayaran ito.

TAGS: Brig. General Cirilito Sobejana, Chief Superintendent Billy Beltran, Joint Task Group Sulu, siocon, Zamboanga del Norte., Brig. General Cirilito Sobejana, Chief Superintendent Billy Beltran, Joint Task Group Sulu, siocon, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.