Pagbawi ng militar sa Bayabao Bridge, pinapurihan ng Malacañang
Pinapurihan ng Malacañang ang pagkabawi ng militar sa Bayabao Bridge sa Banggolo sa Marawi City mula sa teroristang Maute group.
Ayon kay Presidential spokeserson Ernesto Abella, napakahalagang development ito sa patuloy na pangingibabaw ng militar sa main battle area, at sa pagpapalawak ng vantage positions ng mga sundalo.
Aniya, patuloy ang mainit na bakbakan sa Marawi City sa pagnanais na matapos nang mas maaga ang kaguluhan sa lungsod, at mapalaya ito sa mga terorista.
Dagdag ni Abella, ikinukunsidera rin ng militar ang kaligtasan ng mga bihag ng Maute terror group sa gitna ng labanan. Ang Bayabao Bridge ay isa sa tatlong tulay tungo sa sentro ng Marawi City.
Biyernes nang umaga nang mabawi ng militar ang Bayabao Bridge sa Barangay Banggolo mula sa Maute Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.