Reassignment ni Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City, hindi natuloy

By Mark Makalalad September 02, 2017 - 02:15 PM

Hindi na tuloy ang Reassignment ni Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City.

Ito mismo ang inanunsyo ni PRO-6  Dir. C/Supt. Cesar Binag.

Ayon kay Binag, ang kautusan ay natanggap nila kahapon, September 1 mula sa Camp Crame.

Si Senior Supt. Henry Binas naman daw na mula Negros Oriental ang napipisil na itatalagang hepe sa Iloilo City.

Hindi naman idinetalye ni Binag ang dahilan kung bakit nakansela ang reassignment ni Espenido sa lugar at kung may kinalaman ba ito sa pagkakapaslang sa tinaguriang top drug lord sa Western Visayas at isa sa mga national target ng PNP na si Richard Prevendido at anak nitong si Jason Prevendido.

9:30 kagabi nang isinagawa ang operasyon ng composite team ng Regional Intelligence Unit, Iloilo City Police Office (ICPO) at Iloilo Provincial Police Office (IPPO) sa isang abandonadong bahay sa Landheights Subdivison, Jaro, Iloilo City kung saan nasawi sina Prevendido.

TAGS: Cesar Binag, Henry Binas, iloilo city, Iloilo City Police Office, Iloilo Provincial Police Office, Jovie Espenido, Richard Prevendido, Cesar Binag, Henry Binas, iloilo city, Iloilo City Police Office, Iloilo Provincial Police Office, Jovie Espenido, Richard Prevendido

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.