Pangunahing suspek sa Aika Mojica case nadakip sa US

By Jong Manlapaz September 05, 2015 - 04:56 PM

Aika MojicaNaaresto na kahapon ng Iowa State Police ang pangunahing suspek na tinuturong mastermind sa pagpatay kay Aika Mojica nitong buwan ng Hulyo sa San Felipe, Zambales matapos na magtago ng mahigit isang buwan sa Alaska at America.

Ayon kay Olangapo City Councilor Jong Cortez, batay sa impormasyon na binigay sa kanya FBI Attaché sa Manila, nahuli si Filipino-American Jonathan Dewayne Ciocon Viane sa Iowa USA matapos na bigo siyang mahuli sa Alaska.

Ang biktima na si Mojica ay residente ng Olongapo City.

Sa ngayon ani Cortez, hawak na ng US Marshals si Viane ganun pa man hindi pa mabatid kung saan ito pansamantalang nakakulong.

Sinabi pa ni Cortez na susulat si Olangapo City Mayor Rolen Paulino kay DOJ Sec. Leila De Lima para umapila ang Pilipinas sa U.S. na ma-extradite si Viane pabalik ng bansa para kaharapin nito ang mga kasong sinampa laban kanya sa panggagahasa at pamamaslang kay Aika Mojica.

Humihingi rin si Cortez sa FBI ng mugshot ni Viane para matiyak na ang suspek nga talaga ang naaresto ng US Police na nasa pangangalaga na ngayon ng US Marshals.

Una ng sumulat si Mayor Paulino sa DOJ Manila para magpalabas ng provisionary arrest warrant laban kay Viane, nagpadala naman ng liham si DOJ Sec. Leila De Lima sa Justice Department ng America para sa pagkakaaresto ng suspek.

Matatandaan na pinaslang si Mojica noong July 25 sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo sa San Felipe, Zambales, sumunod na araw lumipad sa Alaska si Viane sakay ng EVA Air Flight.

Una ng naaresto ang isa pang suspek na si Nino dela Cruz, residente ng Subic sa probinsya ng Zambales sa pinagtataguan nito sa Pasay City, sa ngayon pansamantala ng nakakulong sa Provincial Jail ng Iba Zambales si Dela Cruz.

TAGS: aika mojica rape slay case, Jonathan Dewayne Ciocon Viane, aika mojica rape slay case, Jonathan Dewayne Ciocon Viane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.