Limang miyembro ng New People’s Army ang nagbaba ng armas at sumuko sa Philippine Army sa Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Sinabi ni Lt. Col, Harold Cabunoc, Commanding Officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, ang mga rebelde ay mula sa Platoon Myphone ng Guerilla Front 73 sa ilalim ni Ka Macmac.
Kabilang sa mga sumuko sina Misuari Digan, 18 yrs old, Ome Digan, 48, Adot Digan 30, Siale Digan, 16, at Eson Digan, 25.
Sumuko din ang isang child warrior na kinilala lamang sa pangalang Siale, 16 yrs old na nirecruit ng rebeldeng grupo noong 2015. Isinuko din ng mga ito ang tatlong mga armas kabilang ang isang Cal .30 M1 Garand, Cal 30 M2 Carbine, at isang 40mm M79 Grenade Launcher.
Kwento ni Misuari Diga, 2014 nang i-recruit siya ni Ka Macmac sa barangay Tupi Bato.
Nakumbinsi daw siyang sumapi sa grupo makaraang pangakuan na tutulungan silang mabawi ang kanilang lupa.
Ang mga surrenderees ay ipepresenta sa lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat para makatanggap ng kaukulang benepisyong laan para sa mga rebeldeng nagbabalik loob sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.