Ilang sunog, sumiklab matapos ang pananasala ng bagyong Harvey sa Texas

By Patrisse Villanueva September 02, 2017 - 11:12 AM

AP Photo

Ilang sunog ang sumiklab sa loob ng dalawang araw sa matapos mag-iwan ng pinsala ang bagyong Harvey sa Texas.

Ayon kay Harris County Assistant Fire Chief Bob Royall, asahan ang ilan pang mga sunog matapos ang nangyari noong Biyernes kung saan nasunog ang dalawang containers at isa naman noong Huwebes sa factory ng Arkema na nagsarado matapos ang pananalasa ng bagyo sa Houston, Texas.

Ayon sa United States Environmental Protection Agency (EPA) at Texas Commission on Environmental Quality, nakompromiso ang ilang refrigeration units dahil sa matinding pagbaha kaya naman inasahan nila na sisklab din ang mga ito tulad ng nangyari sa ibang mga containers.

Sa isang pahayag, sinabi ni Richard Rennard na umayon ang mga pangyayari sa kanilang pagpapalano. Ang mga produkto ay mag-uumpisang uminit, mabulok, at magsimulang sumiklab.

Ayon kay Harris County Sheriff Ed Gonzalez, labinglimang opisyal ng pulis ang nakalanghap ng usok mula sa sunog na dinala sa ospital dahil sa burning situation na naramdam ng mga ito sa kanilang mga mata at lalamunan.

Ayon sa isang Texas A&M chemical engineering professor, ang matagal na pagkakalanghap ng usok mula sa nasusunog na kemikal ay maaaring makapagsanhi ng mga problema sa kalusugan.

Pinahayag naman ng EPA na nagsagawa sila ng ground-level air quality monitoring at nagnegatibo sa toxic concentration levels ang mga lugar sa labas ng evacuated facilities.

Samantala, sinabi ni US Representative Sheila Jackson Lee na dapat umaksyon ang EPA upang masiguradong hindi magdudulot ng panganib ang mga chemical plants at refineries sa publiko.

Inilikas naman ang mga empleyado at mga residente na nakatira sa paligid chemical plant na may layong hanggang 1.5 miles bilang pag-iingat.

TAGS: Arkema, bagyong Harvey, EPA, Houston Texas, Texas Commission on Environmental Quality, Arkema, bagyong Harvey, EPA, Houston Texas, Texas Commission on Environmental Quality

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.