Marcoses, dapat ibalik ang lahat ng mga ninakaw na yaman ayon sa Karapatan

By Mark Makalalad September 02, 2017 - 08:13 AM

Dapat ibalik ang lahat ng mga ninakaw na yaman ng mga Marcos.

Ito ang pagigiit ng grupong Karapatan sa gitna ng mga balita na ibabalik na ng pamilya Marcos ang kanilang mga ill-gotten wealth.

Ayon kay Roneo Clamor, Deputy Secretary General ng Karapatan, alamat na sa pagnanakaw ang Marcoses at ginamit nila ang kanilang nakaw na yaman sa kanilang personal at political gains.

Anya, hindi dapat magkompriso ang administrasyong Duterte sa mga Marcos at dapat ay mapanagot ang mga ito sa kanilang ginawa sa bayan.

Sinabi nya rin na dapat bigyan ng hustisya ang mga biktima martial law kung kayat nararapat lamang na habulin ang mga Marcos.

Matatandaang, kamalailan lamang ang inamusyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa ang Pamilya Marcos na isauli ang kanilang sinasabing nakaw na yaman.

TAGS: Karapatan, Marcos, Roneo Clamor, Karapatan, Marcos, Roneo Clamor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.