2 patay sa pananambang sa Concepcion, Malabon

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang lalaki at isang babae na magkaangkas sa motorsiklo matapos tambangan sa may bahagi ng C. Arellano at De Jesus na sakop ng Barangay Concepcion, Malabon.

Ayon kay Insp. Ferdinand Espiritu, inabangan ang dalawa ng mga armadong susoek na sakay ng isang kotse sa may bahagi ng C. Arrellano.

Sinubukan pang tumakas ng dalawa kaya kumanan sa De Jesus pero dead end na pala ito kaya doon na sila naabutan ng mga suspek at napatay.

Naisugod pa ang babae sa Tondo General Hospital pero idineklara ding dead on arrival.

Ayon naman kay Mario Padua, isang tawag ang natanggap nila na may binaril sa nasabing lugar, pagdating nila sa area nakita nila ang lalaki na nakasuot pa ng helmet at jacket na naliligo na sa sariling dugo at wala nang buhay.

Hindi rin umano taga Brgy. Conception ang mga napatay, kaya posibleng dayo lamang mga ito.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng baril sa hindi pa mabatid na kalibre, may nakuha namang .45 cal. na baril sa biktima.

Patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng mga biktima at motibo sa pamamaslang, habang tinutugis naman ang mga suspek na sakay ng kotse matapos maplakahan ng mga saksi.

Read more...