$1-M, idodonate ni Trump sa mga biktima ng Hurricane Harvey mula sa sariling bulsa

By Rhommel Balasbas September 02, 2017 - 05:05 AM

Nakatakdang magbigay ng 1 million dollars si US President Donald Trump para sa relief efforts sa mga biktima ng Hurricane Harvey sa Texas at Louisiana.

Ang perang idodonate ni Trump ay galing sa kanyang personal funds.

Ito ang kinumpirma ni White House Press Secretary Sarah Sanders at sinabing humihingi pa nga si Trump ng suhestyon mula sa media kung saang organisasyon siya magandang magdonate.

Ayon kay Sanders, nakatakdang tumungo si Trump kasama ang asawang si Melania sa Houston at Louisiana ngayong Sabado.

Inaayos na lang anya kung saan ang mga eksaktong lugar na pupuntahan ng dalawa.

Nauna na ngang magpunta sa Texas si Trump kamakailan para Makita ang pinsalang naidulot ni Harvey at mapangunahan ang recovery efforts.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.