VM Paolo Duterte at Manases Carpio, handang dumalo sa Senate hearing

Handa umanong dumalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pagkakalusot ng 6.4B shipment ng shabu sa Bureau of Customs sina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Mayor Sara Duterte, kapatid ni Paolo at asawa ni Manases, naghihintay lamang ng imbistasyon ang dalawa.

Handa anya na dumalo ang kapatid at asawa sakaling maimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee para malinis ang kanilang pangalan sa mga alegasyon.

Matatandaang mariing itinanggi nina Pulong at Manases ang mga akusasyon na may kinalaman sila sa iregularidad sa Bureau of Customs.

Samantala, itinanggi rin ni Customs Broker Mark Taguba kahapon na may involvement ang dalawa sa smuggling.

Read more...