5 opisyal ng ERC, pinagpapaliwanag ng Malacañang, dahil sa magarbong trips abroad

By Rhommel Balasbas September 02, 2017 - 04:42 AM

Sasailalim sa imbestigasyon na pangungunahan ng Office of the Executive Secretary ang limang commissioners ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa umano’y magastos na trips ng mga ito sa abroad.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ipaliwanag ng lima ang expenditures o ginasta ng mga ito mula taong 2009 hanggang 2015.

Pinangalanan ang mga commissioners na sina Geronimo Sta. Ana, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Magpal- Asirit, Alfredo Non at Director Debora Anastacia Layugan.

Inaakusahan ang limang commissioner ng “dishonesty, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service” dahil sa mamahaling travel ng mga ito sa mga bansang Canada, Germany, New Zealand, United States, Singapore at Australia.

Sa isang sulat, inutusan ni Acting Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Ryan Alvin Acosta ang limang opisyal ng ERC na sagutin ang mga akusasyon ni Rodolfo Javellana Jr, pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters.

Ayon kay Acosta, ang magastos na travel abroad ay paglabag sa Section 7 ng RA 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon kay Acosta, binigyan ng sampung araw ang mga opisyal para sagutin ang mga alegasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.