18 baril, nakumpiska sa 2 arestadong hinihinalang NPA sa Kidapawan

By Kabie Aenlle September 02, 2017 - 01:54 AM

Nasukol ng mga sundalo ang dalawang hinihinalang komunistang rebelde, habang mahigit isang dosenang mga armas ang nakumpiska nila sa Kidapawan City, araw ng Biyernes.

Ayon kay Army 39th Infantry Battalion commander Col. Harold Argamosa, naaresto ang dalawang lalaki na nagpanggap na magsasaka, matapos nilang ilibing ang 18 piraso ng M-16 Armalite at dalawang granada sa Barangay Katipunan.

Isinilid aniya ng dalawa ang mga armas sa dalawang magkahiwalay na drum bago ito ilibing.

Nagulat aniya ang dalawa nang makita ang mga sundalo sa lugar na 50 metro lang ang layo mula sa pinaglibingan nila ng mga baril.

Nakilala ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na sina Wowie Tagapia Boton na 19-anyos lamang, at si George Landungan Cuyo na 20 taong gulang, na pawang mga residente rin ng nasabing barangay.

Ayon pa kay Argamosa, itinuturing nilang “hot spot” ang barangay na ito dahil sa dami ng presensya ng mga rebelde.

Dahil sa pagkakaaresto kina Boton at Cuyo, nakumpirma nila ang intelligence report na nagsasabing dalawang lalaking may maraming armas ang naroon sa lugar.

Nagpasalamat naman si Argamosa sa kanilang naging informant para sa tama at sakto sa oras na pagbibigay ng impormasyon sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.