WATCH: 4 na suspek sa panghoholdap sa 3 Indian, nasukol ng pulisya; lider ng grupo, patay

By Jan Escosio September 01, 2017 - 08:17 PM

Kuha ni Jan Escosio

Tumambad ang mga bungkos ng pera na hinihinalang kasama sa kanilang natangay mula sa tatlong negosyanteng Indian National nang mapatay ang isa sa apat na holdaper sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng PNP-CIDG.

Pasado alas 11:00 ng tanghali nang maabutan ng mga pulis ang apat na suspek sa harapan ng P and L 2 condominium sa Osmeña Highway.

Umakto umanong bubunot ng armas ang dalawa sa mga suspek nang matunugan nila na mga pulis ang bumubuntot sa kanila, kaya’t pinaputukan na sila ng mga taga-CIDG.

Dead on the spot ang suspek na si Joe Mark Dela Serna, alyas Mak Mak na itinuturong lider ng grupo, samantalang ang nasugatan niyang kasamahan na dinala sa Ospital ng Makati ay hindi pa nakikilala.

Hindi naman na nanlaban ang dalawa pang suspek na sina Edmundo Sarmiento at Rodolfo Dela Cruz.

Narito ang report ni Jan Escosio:

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: encounter, holdup incident, makati city, encounter, holdup incident, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.