Faeldon, mas gusto pang makulong na lang, kaysa humarap sa congress hearing

INQUIRER FILE PHOTO

Mas nanaisin pa ng nagbitiw na Customs Commissioner na si Nicanor Faeldon na makulong kaysa dumalo sa legislative inquiry kaugnay ng nakalusot na 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs.

Sa isang panayam, sinabi ni Faeldon na karapatan ng mga mambabatas na siya ay i-cite for contempt. Aniya, mas pipiliin niyang makulong.

Ipinahayag din ng dating opisyal na ginagamit ng senado at kamara ang usapin para kunin ang atensyon ng media kahit na naisasantabi na ang mga karapatan ng resource persons.

Giit ni Faeldon, sa ilalim ng Bill of Rights, mayroong presumption of innocence ang resource persons, ngunit marami na ang naniniwala na tumatanggap siya ng ‘tara’ o suhol bago pa man siya maupo sa kagawaran. Dagdag niya, siya na ang bahala kung paano maisasaayos ang kanyang imahe na sinira na ng mga akusasyon.

Matatandaang noong nakaraang linggo, sa kanyang privilege speech, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na tumanggap ng 100 milyong pisong pasalubong si Faeldon matapos siyang maupo bilang commissioner ng BOC.

 

 

 

 

Read more...