Alok ng mga Marcos na ibalik ang mga nakaw nilang yaman, pinag-aaralang mabuti ni Pangulong Duterte

By Isa Avendaño-Umali September 01, 2017 - 03:50 PM

Tiniyak ng Malakanyang na alinsunod sa batas ang paraang isasakatuparan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mabawi ng pamahalaan ang umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pinag-aaralang mabuti ng punong ehekutibo kung papaano makukuha ang ill-gotten wealth mula mga Marcos, na para sa interes ng sambayanang Pilipino.

Ani Abella, kapag naging malinaw na ang lahat ay isasapubliko ng Palasyo ang magiging hakbang ng pangulo at upang matamo na ang inaasam na hustisya, lalo na ng mga biktima ng diktaduryang Marcos.

Nauna nang kinumpirma ni Duterte na may partidong nakikipag-usap sa kanya ukol sa pagsasauli raw ng gold bars at ilang malalaking deposito na nakuha ng pamilya Marcos noong sila’y nasa kapangyarihan pa.

TAGS: Ernesto Abella, Ferdinand Marcos, ill gotten wealth, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Ernesto Abella, Ferdinand Marcos, ill gotten wealth, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.