Giyera sa Marawi, matatapos na ngayong buwan

By Chona Yu September 01, 2017 - 05:26 PM

Photo Credit: Zia Adiong-LDS-CMC

Maaring abutin na lamang ng dalawang linggo ang giyera sa Marawi City.

Ayon kay AFP Western Mindanao Commander Lt. General Carlito Galvez, ito ay dahil sa nabawi na ng militar Biyernes ng umaga ang Banggolo bridge na unang pinagkutaan ng teroristang Maute group.

Sa ngayon ayon kay Galvez nasa 500 square meters na lamang ang lugar na okupado ng mga terorista.

Gayunman, sinabi ni Galvez na hindi pa rin nagpapakumpiyansa ang kanilang hanay kahit nasa 45 na lamang ang mga kalaban.

Dagdag ni Galvez, may kakayahan pa rin ang mga kalaban na makapatay ng tropa ng militar.

Aminado si Galvez na tiyak na magiging maselan na ang operasyon ng military sa mga susunod na araw lalo’t ikinakakasa na nila ang final push laban sa mga terorista.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Maute Terror Group, terorrism, Marawi City, Maute Terror Group, terorrism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.