LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila, apektado ng road reblocking ngayong weekend

By Isa Avendaño-Umali September 01, 2017 - 11:21 AM

Sasamantalahin ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang “long weekend” upang magsagawa ng road repairs sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ngayong araw ay regular holiday dahil sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ang road reblocking at repairs ng DPWH ay mag-uumpisa mamayang alas-diyes ng gabi at magtatapos alas-singko ng umaga sa Lunes (September 4).

Inabisuhan ng MMDA ang mga motorista na maghanda sa posibleng mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa mga lugar na may road repairs.

Mainam din na maghanap ng alternatibong madadaanan ang mga motorista, ayon sa MMDA.

Kabilang sa mga lugar na may road repairs ay ang mga sumusunod:

Sa Northbound:

– MacArthur Highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City

– P. Garcia Avenue malapit sa E. Jacinto Street, at pagitan ng Velasquez at alley, Quezon City

– Luna Road, mula sa East Avenue hanggang Kalayaan Avenue, Quezon City

– Manila East Road sa harap ng SM East Ortigas, Pasig City

– at Quirino Highway corner La Mesa Dam Road, Quezon City

Sa Southbound:

– Bonifacio Avenue, sa pagitan ng Mauban Street hanggang Dome Street, Quezon City (second lane)

– C-5 Road malapit sa Julia Vargas, Pasig City

– Rodriguez Jr. Avenue bago mag-Green Meadows, Quezon City (truck lane)

– at Rodriguez Jr. Avenue, pagkalagpas ng Boni Serrano Flyover, Quezon City (truck lane)

 

 

 

 

TAGS: DPWH, mmda, Radyo Inquirer, DPWH, mmda, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.