3 sundalo patay, 52 pa ang sugatan sa IED sa Marawi

By Chona Yu September 01, 2017 - 10:13 AM

Joshua Morales | Radyo Inquirer correspondent

Patay ang tatlong sundalo makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Marawi City kagabi na bisperas ng paggunita ng Eid’l Adha.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang aabot sa 52 na sundalo ang nasugatan.

Ayon kay Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng joint task force Marawi, nasabugan ng IED ang mga sundalo habang nagsasagawa sila ng clearing operations sa main battle area.

Pawang minor injuries lang aniya ang natamo ng mga sugatang sundalo na ngayon ay ginagamot na sa ospital.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ikinakasa na nila ang final assault sa mga terrorista sa Marawi at inaasahang matatapos na ang bakbakan sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 soldiers died, IED, Marawi City, Radyo Inquirer, 3 soldiers died, IED, Marawi City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.