Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa masukal na bahagi ng Brgy. Buli sa Muntinlupa City.
Sa inisyal na imbestigasyon, taga-barangay ang naka-diskubre sa bangkay sa ilalim ng puno, malapit sa gilid ng riles ng tren ng PNR.
Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na sando at grey na shorts, balot rin ng scarf ang mukha nito, at tadtad ng mga tattoo ang katawan.
Ayon kay Kagawad Ronald Loresca, mayroong saksi na tumangging magpakilala ang nagsabing nakita niya ang biktima na sakay ng isang motorsiklo kasama ang dalawang lalaki.
Binaba umano sa lugar ang biktima at doon na nakarinig ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril.
Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:
READ NEXT
U.S. President Donald Trump maglalabas ng $1M na personal na pera para sa mga nasalanta ng bagyong Harvey
MOST READ
LATEST STORIES