U.S. President Donald Trump maglalabas ng $1M na personal na pera para sa mga nasalanta ng bagyong Harvey

By Isa Avendaño-Umali September 01, 2017 - 09:25 AM

AFP PHOTO / Daniel KRAMER

Inanunsyo ng White House na magkakaloob si United States President Donald Trump ng $1 million para sa relief efforts sa Texas at iba pang kalapit lugar na apektado ng pananalasa ng Hurricane Harvey.

Ayon kay White House Press Secretary Sarah Huckabee Sanders, personal na pera ni Trump ang ipe-pledge nito.

Sinabi ni Sanders na tinawagan ni Trump ang ilang mga reporter upang tanungin kung anu-anong partikular na organisasyon ang maaaring bigyan ng pinansyal na donasyon.

Matatandaan na nabatikos si Trump dahil sa pagiging kuripot sa pagbibigay ng mga ayuda sa charitable institutions, kumpara sa ibang mga multi-billionaire sa Amerika.

Batay sa pinakahuling tala, hindi bababa sa tatlumpung katao ang nasawi dahil kay Harvey.

Libu-libong mga residente naman ang nasiraan ng mga tahanan, bunsod ng malawakang pagbahang idinulot ng malakas na bagyo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: donald trump, foreign, harvey, Radyo Inquirer, Texas, donald trump, foreign, harvey, Radyo Inquirer, Texas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.