Bukod sa mga tauhan ng UAE patay din sa naganap na explosion ang limang sundalo mula sa Bahrain na kasapi ng Saudi-led coalition na tumutulong sa pamahalaan ng Yemen para idepensa ang kanilang sarili laban sa mga rebelde.
Nauna dito ay sinabi ng Yemeni government na aksidente ang nangyari makaraang sumabog ang bomb depot sa lalawigan ng Marib na siyang naging dahilan ng kamatayan ng mga sundalo.
Pero sa ulat ng UAE Press Agency, sinabi ng mga lider ng Shiite Huthi rebels na sila ang nasa likod ng pag-atake at ginamitan daw nila ng mga rocket missile ang kanilang mga kalaban kaya marami ang namatay sa naturang pag-atake.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang pagtugis ng pinagsanib na pwersa ng Yemeni government at iba pang coalition forces sa pangunguna ng Saudi Arabia at kanilang sinusuyod ngayon ang lugar ng mga rebelled sa Marib, Sanaa, Northern Huthi at Central City ng Ibb.
Magugunitang nagsimulang sumaklolo ang pamahalaan ng Saudi sa Yemen noon nakalipas na buwan ng Marso at mula noon ay halos naging araw-araw na ang bakbakan sa ibat-ibang mga lugar sa Yemen.
Sa report ng United Nations, umabot na sa 4,500 ang naitalang patay mula nang magsimula ang armed conflict sa naturang bansa.
Sinasasabi rin sa naturang report na karamihan sa mga casualties ay pawang mga sibilya na naipit sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebelde.