Sama-samang ginunita ng mga residente ng Marawi City ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.
Ito ay sa kabila ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa siyudad.
Ngayon ang ika-isangdaan at dalawang araw, mula nang sumiklab ang giyera sa Marawi City.
Maaga pa lamang ay dumagsa na ang daan-daang Muslim sa Mindanao State University grandstand.
Doon nila piniling ipagdiwang ang Eid’l Adha, at sabay-sabay na ipinagdasal na matapos na ang krisis sa kanilang lugar.
Nauna nang nagkatay ng nasa limang daang baka ang mga residente, upang ipaghanda sa pista.
Ayon sa ilang residente, hindi mapipigil ng giyera ang kanilang pag-obserba sa isa sa pinakamalaking okasyon sa Islam.
MOST READ
LATEST STORIES