Padang, Indonesia, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
By Isa Avendaño-Umali September 01, 2017 - 08:16 AM
Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Indonesia kaninang madaling araw.
Ayon sa United States Geological Survey o USGS, ang pagyanig ay naitala 46 miles o 75 kilometers ng Padang, Indonesia.
Sa kabila naman ng lindol, sinabi ng meteorological agency ng Indonesia na walang banta ng tsunami.
Sa ngayon, wala pang report kung may nasawi o nasaktan dahil sa lindol.
Inaalam na rin kung may mga apektado o nasirang ari-arian.
Ayon sa mga residente, naramdaman nila ang malakas na pagyanig sa Sumatra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.