Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2017 - 07:48 AM

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 3:12 ng madaling araw ng Biyernes sa 156 kilometers south ng Governor Generoso.

May lalim na 122 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Samantala, alas 4:42 naman ng umaga, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Ozamis City, Misamis Occidental.

Naitala ang pagyanig sa 12 kilometers north ng Ozamis City.

May lalim naman na 4 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang nabanggit na lindol.

 

 

 

 

TAGS: davao oriental, earthquake, Governor Generoso, ozamis city, Radyo Inquirer, davao oriental, earthquake, Governor Generoso, ozamis city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.