Pagpasok ng ‘ber’ months sinalubong ng mahigit P30 na pagtaas sa presyo ng LPG

LPG | Inquirer File Photo

Nagpatupad ng dagdag sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw ngayong Biyernes, nagpatupad sila ng dagdag na P2.74 sa bawat kilo ng kanilang LPG.

katumbas ito ng P30.14 na pagtaas sa bawat 11-kilogram cylinder.

May dagdag din ang Petron na P1.53 sa bawat litro ng kanilang AutoLPG.

Ang dagdag presyo ay kasunod ng paggalaw ng halaga ng langis sa world market.

Inaasahan namang sunod na ring mag-aanunsyo ng dagdag presyo sa LPG ang iba pang kumpanya ng langis.

 

 

 

 

 

 

Read more...