Dalawang bagyo sa labas ng bansa, parehong lumakas pa ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2017 - 06:19 AM

Kapwa lumakas pa ang dalawang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Sanvu ay isa nang Typhoon at huling namataan sa 2,145 East Northeast ng extreme northern Luzon.

Mabagal ang kilos ng bagyo na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 130kph at pagbugsong aabot sa 160kph.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-East Southeast.

Samantala, ang dating Low Pressure Area (LPA) na naging isang ganap na bagyo ay isa na ngayong Tropical Storm at may international name na Mawar.

Huli naman itong namataan sa 345 kilometers North Northwest ng Laoag City. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65kph at pagbugsong aabot sa 80kph. North Northwest ang direksyon ng bagyong Mawar sa bilis na 7kph.

Pinalalakas nito ang Habagat na naka-aapekto sa western part ng Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa Habagat, makararanas ng moderate to occasionally heavy rains at thunderstorms sa Babuyan Group of Islands, Ilocos Region at sa mga lalawigan ng Batanes at Zambales.

Habang light to moderate rains naman at thunderstorms ang iiral sa Metro Manila at sa mga rehiyon ng Cordillera, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at lalawigan ng Mindoro.

 

 

 

 

 

 

TAGS: mawar, pagasa, Radyo Inquirer, sanvu, Weather in Philippines, mawar, pagasa, Radyo Inquirer, sanvu, Weather in Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.