59 kataong inakusahang may kinalaman sa Marawi siege, pinapalaya na

FILE PHOTO

Ibinasura na ng mga prosecutors ang mga kasong rebelyon laban sa 59 katao na hinarang ng mga pulis at sundalo sa dalawang checkpoints sa Mindanao.

Naakusahan kasi ang mga ito na may kaugnayan o kaya ay sasali sa teroristang Maute Group na nagpasiklab ng gulo sa Marawi City.

Ayon kay senior government prosecutor Peter Ong, ibinasura ang mga kasong rebelyon sa mga lalaking Muslim dahil sa kawalan ng maitbay na ebidensya, kaya iniutos na rin ang pagpapalaya sa kanila.

Isinailalim sa kustyodiya ng mga otoridad ang mga kalalakihan noong July 25 sa Zamboanga City at bayan ng Ipil, dahil sa pag-biyahe nila nang maramihan noong kasagsagan na may lumabas na intelligence reports na may mga ipapakalat ang mga terorista na mga gunmen sa Marawi City.

Read more...