Parusa sa mga naglalabas ng fake news, mas pinatindi
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10951 o ang batas na nag-aamyenda sa Revised Penal Code.
Nakasaad sa Article 154 ng bagong batas ang mas pinalawig na parusa sa mga nagkakalat ng fake news.
Sa ilalim nito, maaari nang makulong nang hindi bababa sa anim na buwan ang sinumang magkakalat ng pekeng balita.
Ayon sa probisyon ng bagong batas, sinumang magkalat ng pekeng balita sa kahit anong paraan ng paglalathala na makakaapekto sa kaayusan ng publiko at sa sitwasyon ng bansa ay maparurusahan.
Maaari ring pagmultahin ng aabot sa 40,000 pesos hanggang 200,000 ang sinumang maglalathala ng fake news.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.