WATCH: Dalawang SC justices, tetestigo vs Sereno

Dalawang mahistrado ng Korte Suprema ang tetestigo hinggil sa reklamong katiwalian laban sa kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, mabigat ang ebidensya na ilalahad ng dalawang justices at tiwala sya na madidiin nang husto dito si Sereno.

Hindi naman pinangalanan ni Gadon kung sinong justices ang tinutukoy nya, pero kanyang sinabi na sesentro ito sa mga maling pamamalakad ng punong mahistrado.

Paggigiit pa ng abugado, walang takas si Sereno sa kasong impeachment dahil nakabase ito sa personal knowledge ng mga testigo at sa public documents.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

Read more...