Ethics complaint ni Gordon, welcome kay Trillanes

Handa si Senator Antonio Trillanes IV na harapin anuman ang reklamong ihahain laban sa kaniya ni Senator Richard Gordon.

Ito ay matapos na magkainitan ang dalawang senador sa kasagsagan ng pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay sa P6.4 billion shabu shipment.

Ayon kay Trillanes, welcome sa kaniya anuman ang lamanin ng ethics complaint ni Gorodn.

“I welcome anoman ang ethics complaint niya, kitang-kita naman ng buong mundo ang nangyari,” ayon kay Trillanes.

Nagbanta rin si Gordon na ipapa-contempt si Trillanes matapos na tawagin nitong “committee de abswelto” ang senate blue ribbon committee.

Ani Trillanes, anuman ang maging direksyon ng mga banta ni Gordon, aaksyunan niya ito.

Matapos ang pagtatalo ng dalawa ay humingi naman ng paumanhin si Gordon sa publiko nang mag-resume na ang hearing.

 

 

 

Read more...