Bangkay ng lalaki, itinapon sa basurahan sa Taguig

By Cyrille Cupino August 31, 2017 - 08:11 AM

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa tambakan ng basura sa gilid ng C-5 Road, malapit sa Heritage Park, Taguig City.

Alas 4:23 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang homicide division ng Taguig City Police na may bangkay ng lalaki na itinapon sa basurahan.

Walang nakitang pagkakakilanlan sa biktima na nakatali ang mga kamay at nakasuot ng grey na shorts at brown na sapatos.

Nakasubsob ang mukha ng biktima sa bundok ng basura, at tadtad ng mga tama ng bala sa katawan.

May nakita rin ang mga pulis na dalawang basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Tingin ng mga imbestigador, posibleng doon mismo sa lugar binaril ang biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Taguig City Police upang malaman ang pagkakakilanlan ng biktima at kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay dito.

 

 

 

 

 

TAGS: Heritage Park, metro news, Radyo Inquirer, Taguig City, Heritage Park, metro news, Radyo Inquirer, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.