P200,000 halaga ng shabu, nasabat sa QC

By Jong Manlapaz August 31, 2017 - 07:51 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Aabot sa P200,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad sa isang bahay sa Feria Road, Barangay Old Balara, Quezon City.

Target ng search warrant ang isang Osing Morales alyas “Babay” pero natugan nito ang operasyon kaya nagawang makaalis ng bahay.

Ayon kay Police Chief Insp. Ferdy Mendoza, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng QCPD, nadatnan nila sa bahay ang tauhan ni Morales na si Arnold Pantinople.

Inaresto si Pantinople matapos makuha sa bahay ang 20 gramo ng shabu na ang halaga ay tinatayang nasa P200,000.

Nasabat din ang mga bala ng 9MM na baril at bala ng caliber 22.

Bagaman itinanggi ni Pantinople na sa kaniya ang nakuhang mga shabu, inamin naman nitong kagagamit lang niya ng bawal na gamot.

 

 

 

 

TAGS: Osing Morales, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, search warrant, Osing Morales, QCPD, quezon city, Radyo Inquirer, search warrant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.