Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, maagang inulan

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2017 - 06:39 AM

Maagang nakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga, nakaranas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Tarlac,

Dalawang oras na tumagal ang naranasang light to moderate rains sa nasabing mga lugar.

Nakaranas din ng hanggang katamtamang pag-ulan ang bahagi ng Batangas, Nueva Ecija at Quezon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, binabantayan pa rin ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 555 kilometers east ng Tuguegarao City.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa ito habang nasa boundary ng bansa patungong China.

Ang Ilocos Region at mga lalawigan ng Batanes, Cagayan, Apayao, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Isolated na pag-ulan naman dahil sa thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

 

 

 

 

 

TAGS: low pressure area, Radyo Inquirer, low pressure area, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.