Pagbuo ng bagong anti-graft body, hindi kailangan – Alvarez

By Rhommel Balasbas August 31, 2017 - 03:32 AM

Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na kailangang bumuo pa ng bagong “anti-graft body”.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng pangulo noong Lunes na nais niyang bumuo ng isang bagong komisyon na mag-iimbestiga sa mga reklamo ng korapsyon sa gobyerno.

Ani Alvarez, dapat mapanatili ang Office of the Ombudsman na maging “watchdog” ng mga anomalya sa pamahalaan.

Wala anyang kakayahan ang kongreso na i-abolish ang Ombudsman dahil ang kapangyarihan nito ay pinagtitibay ng 1987 constitution.

Gayunpaman, ayon kay Alvarez maaari naman umanong makatulong ang pagbuo ng bagong anti-graft body lalo na kung ang mandato nito ay nakapokus sa executive branch.

Madali na lang anya magtanggal ng ilang mga kawani dahil karamihan sa mga ito ay appointees lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.