Gold bars ng mga Marcos na tinutukoy ni Duterte, maaaring certificates lang – Lacson

By Rhommel Balasbas, Ruel Perez August 31, 2017 - 03:22 AM

Matapos ang pahayag ng pangulo na handang ibalik ng mga Marcos ang ilang nakaw na yaman kabilang ang gold bars, nilinaw naman ni Sen. Panfilo Lacson na maaaring hindi literal na gold bars ito.

Ayon sa senador, maaaring “certificates” ang mga ito na ginagamit sa pakikipagkalakalan at hindi ang physical state ng gold bars.

Naalala anya niya ang isang insidente kung saan may ipinakita sa kanya si Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos na “gold certificates” ngunit hindi naman niya masabi kung authentic ang mga ito.

Ayon pa kay Lacson, hindi pa man pangulo ng bansa si Marcos ay nakikipagpalitan na ito ng ginto kaya posibleng ito ang tinutukoy ng Pangulong Duterte.

Kung tunay na gold bars anya ang mga ito, matagal na sana itong nabawi ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG).

Ang PCGG ay binuo sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Corazon Aquino na naglalayong bawiin ang mga nakaw na yaman ng pamilya.

Welcome naman kay Lacson ang usapin sa pagbabalik ng ill-gotten wealth ng pamilya ngunit maituturing pa umanong “premature” ang naging transakyon ng pangulo at ng mga Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.