Final assault, sinimulan na sa Marawi City sa ika-100 araw ng bakbakan

By Kabie Aenlle August 31, 2017 - 03:24 AM

Sinimulan na ng militar ang pag-usad sa nalalabing kuta ng Maute terror group sa Marawi City sa pagsapit ng ika-100 araw ng bakbakan sa lungsod.

Mas pinaigting na ng militar ang mga airstrikes at mortar attack sa 500-square-meter na bahagi ng lungsod para mabuwag ang pwersa ng Maute at Abu Sayyaf na nagtatago sa mga gusali doon.

Ayon kay Brig. Gen. Rolando Joselito Bautista na commander ng 1st Infantry Division, ito ang paraan nila para ma-klaro ang lugar bago makapasok ang mga sundalo para sa kanilang final assault.

Ani pa Bautista, isa sa kanilang mga natutunang leksyon ay kailangan nilang ibuhos ang kanilang firepower para masuportahan ang kanilang advancing troops.

Nasa 500 metro na lamang ang layo ng advancing troops mula sa lawa kung saan muling nabawi ng gobyerno ang Barangay Mapandi.

Gayunman, aminado si Joint Task Force Marawi spokesperson Capt. Jo-Ann Petinglay na hindi madali ang magiging final assault ng militar.

Ayon kay Petinglay, nasa 50 sibilyan pa kasi ang bihag pa rin ng mga terorista, kabilang na ang pari na si Fr. Teresito Suganob.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nila basta-basta maaring atakihin ang mga terorista, upang maingatan ang buhay ng mga sibilyang bihag ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.