Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, patuloy ang kanilang apela sa publiko na manalangin para mabilis na maresolba ang problema sa Marawi
Sa pinakahuling talaan ng AFP halos 800 na ang nasawi sa giyera sa Marawi.
Sa naturang bilang, 617 rito ay mga kalabang terorista, 133 ang mga tropa ng gobyerno habang 45 ang mga sibilyan
Sa tantya ng military, nasa 40 na lang ang mga kalabang terorista sa loob ng Marawi City.
Kabilang na rito ang mga lider ng grupo na sina Isnilon Hapilon at ang Maute brothers na sina Abdullah at Omar.