Suporta at panalangin, hiling ng AFP para sa mga sundalo sa Marawi

By Chona Yu August 31, 2017 - 03:23 AM

Sa pagsapit ng ika-100 araw ng giyera sa Marawi City, nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na patuloy na suportahan ang tropa ng pamahalaan para tuluyang maging malaya ang siyudad mula sa kamay ng teroristang Maute Group.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, patuloy ang kanilang apela sa publiko na manalangin para mabilis na maresolba ang problema sa Marawi

Sa pinakahuling talaan ng AFP halos 800 na ang nasawi sa giyera sa Marawi.

Sa naturang bilang, 617 rito ay mga kalabang terorista, 133 ang mga tropa ng gobyerno habang 45 ang mga sibilyan

Sa tantya ng military, nasa 40 na lang ang mga kalabang terorista sa loob ng Marawi City.

Kabilang na rito ang mga lider ng grupo na sina Isnilon Hapilon at ang Maute brothers na sina Abdullah at Omar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.