WATCH: Mahigit 70, arestado sa QC dahil sa online sabong

Arestado ang mahigit 70 katao sa sabay-sabay na pagpapatupad ng tatlong search warrant sa A Luna St, Brgy Bagumbuhay, Project 4, Quezon City.

Pinangunahan ng Dist. Special Operation Unit (DSOU) ang pagpapatupad ng search warrant na may kinalaman sa paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by iligal na sugalan at paglabag sa section 6 ng Cybercime Prevention Act, na inilabas ni Judge Reynaldo Daway ng Quezon City RTC Branch 90, laban sa Aikaniks OTB, Fel’s Eatery at Malou’s kitchenette na nagsasagawa ng online sabong.

Kabilang sa mga nasukol ang 7 empleyado at operators, pati na ang 69 bettors na naaktuhang tumataya sa online sabong at off track betting na nasa loob ng mga nasabing establisyimento.

Kinumpiska nilang ebidensya ang betting coupons, betting machine, tv monitors, modem routers at DVD players.

Read more...