Seguridad sa Central Park Tower Condominium, may pagkukulang ayon sa NCRPO

By Chona Yu August 30, 2017 - 06:20 PM

Kuha ni Juan Bautista

May nasisilip nang kapabayaan si National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde sa seguridad na ipinatutupad sa Central Park Tower Condominium sa Pasay City.

Ito ay matapos mag-amok at manaksak kagabi ang lalaking si Robert Garan kung saan anim katao ang nasawi kasama ang suspek.

Unang ipinunto ni Albayalde ang pag-amin ng mga gwardiya na wala sa kanila ang nakaposte at nagmo-monitor sa CCTV area ng condominium.

Aniya, kung may gwardiya na nakabantay sa CCTV area, tiyak na makareresponde ang mga ito lalo’t mag-isa lamang ang suspek at armado lamang ng kutsilyo.

Bukod dito, sinabi ni Albayalde na agad ding tatawag sa pulis ang mga gwardiya para ipabatid na may komosyon kung agad nilang na-monitor na may nagaganap nang pananaksak sa 22nd floor ng condominium.

Dahil dito, sinabi ni Albayalde na pinag-aralan na ngayon ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) kung anong parusa ang posibleng ipapataw sa security agencies na nakatalaga sa condominium.

Ayon kay albayalde, sisilipin din ng pnp kung sapat ang bilang ng mga gwardiya na nagbabantay sa condominium.

TAGS: albayalde, Central Park Tower condominium, nag-amok, NCRPO, Pasay City, albayalde, Central Park Tower condominium, nag-amok, NCRPO, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.