Pamahalaan, hinikayat na makipag-kompormiso sa Pamilya Marcos
Hinimok ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang pamahalaan na pumasok sa compromise agreement sa pamilya Marcos upang mabawi ang mga nakaw na yaman ng mga ito.
Ayon kay Atienza, ngayong sinabi ng pangulo na may hangarin ang pamilya Marcos na isauli ang sinasabing mga nakaw na yaman nito, dapat itong tanggapin ng gobyerno.
Ayon sa mambabatas, kailangang pumasok sa isang kompormiso ang gobyerno na hindi na ihihinto ang mga kasong kriminal laban sa mga Marcos kaugnay sa mga nakaw na yaman.
Paliwanag ni Atienza, dahil sa walang nangyayari sa mga kaso ng gobyerno laban sa mga Marcos mas mabuti na ang compromise agreement.
Idinagdag ni Atienza na kahit makuha lamang ang kalahati ng mga sinasabing nakawa na yaman ng mga Marcos maari na itong gamiting panggastos sa mga proyekto ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.