Gayunman, hindi tinukoy ng Kalihim kung sa anong paraan ito makaapekto. Sinabi ni Aguirre na nakasalalay sa gobyerno kung paano makaapekto sa mga kaso ang pagsasauli ng mga nakaw na yaman ng Pamilya Marcos.
Aniya, sa kanyang pagkakaalam ay ang isasauli ng Pamilya Marcos ay ang mga nadiskubreng nakaw na yaman lang.
Tumanggi naman si Aguirre na magbigay ng iba pang komento ukol sa usapin dahil malabo pa aniya ang impormasyon.
Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang kinatawan umano ng Pamilya Marcos ang kanyang nakausap at ipinahayag ang intensyong ibalik ang bahagi ng tagong yaman sa gobyerno.