Dating Palawan Gov. Joel Reyes, hinatulang makulong ng hanggang 8 taon dahil sa kasong graft
Hinatulang makulong ng hanggang walong taon ng Sandiganbayan si dating Palawan governor Joel Reyes.
Ito ay matapos mapatunayang guilty si Reyes sa kasong graft dahil sa umano ay maanomalyang pag-renew sa small-scale mining permits sa lalawigan.
Batay sa 33-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 3rd division, “guilty beyond reasonable doubt” ang hatol kay Reyes sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Maliban sa hanggang walong taon na pagkakakulong, bawal na ring manilbihan sa anomang pwesto sa gobyerno si Reyes.
Pinawalang-sala naman ng anti-graft court ang co-accused ni Reyes sa kaso na si Adronico Jara Baguyo dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan na guilty ito sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.