Kim Kardashian at pamilya, magbibigay ng $500,000 na donasyon sa mga nasalanta ng hurricane Harvey

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2017 - 11:25 AM

Bilang tulong sa relief efforts sa mga nasalanta ng hurricane Harvey, magbibigay si Kim Kardashian at kaniyang pamilya ng halagang $500,000.

Ang nasabing halaga ay ambag ng TV reality star, kapatid niyang sina Khloe at Kourtney at kanilang ina na si Kris Jenner.

Ipadadala nila ang pera sa Red Cross at sa Salvation Army.

Hinikayat din ni Kim ang kaniyang followers sa twitter na magkaloob din ng donasyon para sa mga biktima ng bagyo.

Ipinost pa nito kung saan maaring ma-contact ang Salvation Army ng US at ang Red Cross.

Una nang nagpasabi rin ang mga celebrities na sina Jennifer Lopez, Dwayne Johnson, NFL player J.J. Watt at comedian Kevin Hart na magdo-donate sila sa mga nasalanta ng bagyo.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Kim Kardashian, red cross, salvation army, Kim Kardashian, red cross, salvation army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.