Bagyong nasa labas ng bansa, lumakas pa, isa nang severe tropical storm
Lalo pang lumakas ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (LPA).
Ang bagyong may international name na Sanvu ay isa nang severe tropical storm.
Huli itong namataan sa 2,550 kilometer East Northeast ng extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 105 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 120 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, north northwest ang direksyon ng bagyo at maliit na ang tsansang pumasok pa ito ng bansa.
Samantala, minomonitor pa rin ng PAGASA ang isang Low Pressure Area na huling namataan sa 555 kilometers East Northeast ng Tuguegarao City.
Ayon sa PAGASA makararanas ng light to moderate rains at minsang malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley at Cordillera, at sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Aurora.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maganda ang panahon maliban lamang sa isolated na thunderstorm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.